Nakupu, napakabelated na 'tong pagbati ko, but it's better to be late than never. Happy Easter nga pala, ahihihi! :wink:
Nakakabanas talaga ha, ang tagal-tagal naman lumabas ng Mario Party Advance sa mga GBA ROM sites. Sabi kasi March 28 ang release tapos March 29 na wala pa rin, grabe baka sa tagal kong kakahintay eh 'di ko na siya hahanap-hanapin. Wish ko lang sana bukas meron na. Nalaro ko na ito, kaso nga lang Japanese. Parang nakakaintindi ako ng Nihonggo. Pero the fun has no language barriers. Maganda naman ang game at naging fan rin ako ng Mario Party series.
Napansin nyo ba ang sobrang init ng panahon? Grabe siguro nsa mga 32-35 degrees Centigrade na ang temperature. Summer na nga talaga! Kahit sa gabi ang init-init pa rin. Nakakapaso lalo na sa midday. Ang sarap magpalamig: ice cream, samalamig, gulaman, saging slash mais con hielo, C2, iced tea, halo-halo! Kahit ano basta mapawi ang uhaw at init. :o
Kagabi pala ay nilindol ang Sumatra, Indonesia ng magnitude 8. Daan-daang tao ang nasawi sa trahedya. Ngunit ang mas maugong na balita tungkol diyan ay ang posibilidad ng panibagong tsunami disaster na dulot nito. Napabalita na nga na may namonitor silang tsunami sa Cocos Island sa may Pacific. Sana'y maging handa hindi lang ang 'Pinas pati na rin ang buong rehiyon sa Asia sa mga ganitong banta.
Maundy Thursday ngayon, wala masyadong magawa. Di naman boring pero parang wala lang. Parang ordinaryong araw lang.
Anyways, ito lang ang inatupag ko, inaayos ko pa tong tblog ko, gusto ko customized. Kaya gumawa ako ng header na may theme na "Saya ng Summer". Dalawa nga eh, ung isa Boracay and the other is the summer capital, Baguio. Haaaayy, kelan kaya ako makakapunta ng Bora (sa Baguio naman nakapunta na ako, but it was two years ago. Wala pang SM Baguio noon.)
Nakupu, ang bilis kumain ng load ang cell ko, kakadownload ng Nokia Series 40 games. Ayokong mag Smart 258 blah-blah, kasi mas madalas pa akong mag-GPRS sa 3100 ko kesa magpudpod ng daliri sa kakatext.
Oo nga pala, nag Manila Tour ako kahapon, ang saya-saya, parang field trip. Kasama ko nga tropapips ko. Start kami ng SM City Manila, ikot-ikot, kain-kain, kanta-kanta etc. Tapos nilakad namin ang buong Intramuros, medyo nakakapagod pero napawi naman ng tuwa. Piktyur-piktyur kami dun. Kita ko ang Parke Rizal, CCP, US Embassy, BSP, ung mga Ped Xing na signboards, pumasok pa kami ng San Agustin Church, at nag-alay lakad sa may Baywalk. Ang saya-saya ko talaga nun.
Buti naman at pansamantalang bakasyon ang nararanasan ko. Habang wala pang pasok, aasikasuhin ko na mga mga importanteng bagay. Time to rest and reflect. Penitensya, anyone?