OMFG! I feel cashstrapped. Empty pockets. Kinda busy these days, no time to cut my toenails, even to glance at the mirror to check how do I look, gawd. Haay. Oh, how am I supposed to forget to do my very loooong lab report, I even got ample time to dilly-dally and post somefin' on my bloggy-blog.
Una sa lahat, binabati ko ng isang maligayang kaarawan ang aking butihing ina. Mamay Happy (30x) Birthday po sa inyo! You're the best Mom in the whole world! Lab yah!
Kaya pala hindi ko makita mga smileys dito sa tBlog kasi Opera ang gamit ko. Kaya heto ako ngayon, sa Firefox na lang gumagamit.
Mabuhay ka Manny Pacquiao! Pinatunayan mo ang galing at gilas ng Pinoy! Ipinagmamalaki ka ng Sambayanang Pilipino!
JOK 3x!!!
Sabi ng assistant ni Pacquiao: "Hindi lang siya magaling na boxer, hindi lang siya magaling na singer, isa pa siyang magaling na cooker." Nyahaha!
Hay, "opisyal" nang nagsimula ang aking mga klase. OK naman, medyo matrabaho nga lang ang magiging trimester ko ngayon. May Logic Circuits na ako, tapos sinabay ko pa ang Principles of Communication sa Data Communication 1, tapos may Operating Systems na may kasamang Art Appreciation. Harujusko, gudlak na lang sa akin.
Huwaw, nagupdate ang tBLOG ah, asteeg! Bago lahat ah, pero may napansin lang ako, nasaan na ang mga smileys? Bakit yung banner ko naiba ang sukat? 'Di ko na makita ang mukha ko, sana maayos rin.
Natry ko na ang Opera Mini, isa rin itong asteeg na midlet application sa cellphone. (Note: Opera Browser rin po ang gamit kong web browser!) Ako kasi ay gumagamit ng Nokia 3100, at hindi ko inaakala na sa pamamagitan ng Opera Mini ay makakabrowse na ako sa Internet. Ang maganda pa, less network traffic ang ginagamit niya kaya konti lang ang bawas sa load. Try 'nyo rin, visit "http://mini.opera.com" gamit ang WAP (Go to address) para madownload ito sa cellphone mo. :D
Ang saya-saya ko! At last may digital audio player na ako! :D
Naghahanap kasi ako ng magandang player. OK na yung 512MB, tapos lightweight at portable, may built-in na USB at siyempre reasonable yung price. Nagcanvass ako nung Lunes, tingin ng mga model at brands. Ayoko ng Apple iPod, 'di ko kaya ang price at mahal siya (hehe.) Tapos dalawang brands na lang ang pinagpipilian ko: either Samsung Yepp or Creative MuVo. Sa MP3 Express mura yung Samsung YP-T6V compared sa ibang shops, nasa P4999 lang vs. P6300 sa Park Square 1. Kaso 256MB lang ang memory nya. Ganda na sana kasi gusto ko yung design, very compact parang lipstick.
Kahapon gulung-gulo ang utak ko. Hindi makapag-decide. Ano bang player ang mas magandang bilhin? Ano ang mas sulit? Ano ang features nito na wala yung isa? Samsung Yepp YP-T6 or Creative MuVo V200? Tapos bigla na lang akong napa-"Aha!", at napili ko ang MuVo V200 (Initially Zen Nano Plus ang choice ko pero nalaman ko na walang built-in USB connector.)
Balik ako Park Square 1, tingin-tingin at tanong-tanong sa mga shops. Sa paghahanap ko ay may nakita akong Creative MuVo V200 512MB, kaya binili ko na at sulit talaga siya! Kanina ko lang inupdate ang firmware, salamat naman at successfully kong nainstall. Kaya naman todo kinig ako, nai-transfer ko na rin ang mga MP3s ko, maluwag pa memory. May FM radio at recorder pa, ayos! I really love my first DAP (digital audio player) :D